Finding God in Everything Let go and Let God.

Finding God in Everything Let go and Let God.
Be Refreshed by God's Amazing Love

Lunes, Hulyo 20, 2020

Psalm 90 on the 90th Day of Prayer Vigil in times of covid 19pandemic

Tonight marks the 90th day of our community prayer vigil in times of covid19 pandemic crisis.

In times like this, wherein fear, anxiety and sometimes hatred trying to fill our nerves, all we can do is to pray. Submitting everything to God. 

Just like the prayer of Moses in Psalm 90.
Psalm 90
A prayer of Moses the man of God.
Lord, you have been our dwelling placex
throughout all generations.

It reminds us that God is our dwelling place throughout generations. God is our help and deliverer since the begining of our lives. He is the same Lord, yesterday, today and forever.

2. Before the mountains were borny
or you brought forth the whole world,
from everlasting to everlastingz you are God.a

God is God even before everything was made.
Our days may come to seventy years,i
or eighty,j if our strength endures;
yet the best of them are but trouble and sorrow,k
for they quickly pass, and we fly away.l

Only God knows the numbers of our remaining days. Our life quickly passes by without us knowing it.

Teach us to number our days,o
that we may gain a heart of wisdom.p
13 Relent, Lord! How longq will it be?
Have compassion on your servants.r

To live one day at a time, savoring each day as if it is our last is a Wisdom we all must ask the Lord.

Satisfys us in the morning with your unfailing love,t
that we may sing for joyu and be glad all our days.v

Numbering out days makes our every morning as equally as memorable of ones birth or death. Each day will be a song of praise and joy, because no one wants a sad ending or begining. 

Make us glad for as many days as you have afflicted us,
for as many years as we have seen trouble.
16 May your deeds be shown to your servants,
your splendor to their children.w

In doing this, we will be able to see the purpose of every trial, every hurt, every failure, every tragedy, every trouble that comes to us. All is for us to experience God's saving grace. 
17 May the favora of the Lord our God rest on us;
establish the work of our hands for us—
yes, establish the work of our hands.x

My prayer partners

Like Moses teach us to number our days Oh God. 

It is the best time to savor the life that God gave us.

Trust God. He never change. 









Martes, Nobyembre 22, 2016

"Hugot"



November 19, 2016

Palasak ngayon ang mga hugot lines, iba-iba ang tema at gamit depende sa taong humuhugot at depende sa sitwasyon naroon ang humuhugot. Yung iba humuhugot dahil may gustong sabihin o ipahiwatig sa ibang tao na hindi niya kayang sabihin ng personal kaya dinadaan sa hugot lines. May iba naman na ginagamit ang pag hugot sa tuwing may mabigat na pinagdaraan, maaaring paraan niya ito upang maihinga yung bigat ng nadarama niya. Sa kabila ng ibat-ibang dahilan at mga halimbawa ng “hugot lines”, masasabi nating may iisang pangangailangan ang bawat taong humuhugotLakas ng loob.
Sa ating sama-samang pagsamba nitong nakaraang biyernes (11/18/16) ay napagnilayan natin kung saan tayo humugot ng lakas at pag-asa sa ating buhay. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil kahit ako’y huli na nang dumating ay umabot ako sa parteng ito ng ating sama-samang pagsamba at muli ay nagpahayag ang Panginoon ng kanyang kapangyarihan sa aking buhay. Tila alam ng Panginoon kung ano ang pinagdaraanan ng bawat isa sa atin, at kayrami niyang paraan upang tayo ay abutin at samahan sa ating paglalakbay. 
Sa aking pagdalo sa gabing iyon ay kayraming balakid ang sumubok sa aking pagdalo, nariyang kay sakit ng aking ulo, dahil hindi nakatulog ng nakaraan gabi dahil sa pag-aalala sa ilang mga bagay, nariyang ayaw na akong paalisin ng bahay ng aking nanay dahil masama na raw ang aking pakiramdam, makabubuti raw na magpahinga na lamang. Ngunit alam ko sa sarili kong mas kailangan ko ang pagkalinga ng Panginoon sa mga oras na iyon, kaya tumuloy pa rin ako sa pagdalo kahit alam kong ako’y mahuhuli na. At muli, sa ating sama-samang pagninilay ay ipinakita at ipinadama ng Panginoon na alam niya ang lahat sa ating buhay, alam niya ang bawat nilalaman ng ating puso at isip, alam niya kung ano ang kalagayan natin, alam niya ang pinagdaraanan natin.At alam niya rin kung paano tayo sasaklolohan.Ngayong gabi ay ipinaalala sa atin ng Panginoon na Siya lamang ang pinakamatibay at pinakamalakas na muog at siya nating tanggulan sa lahat ng pagsubok natin sa buhay. Ipinaalala sa atin ng Panginoon ang mga panahon at pangyayari sa ating buhay kung saan tayo’y Kanyang sinaklolohan at iniligtas.Ipinakita ng Panginoon na Siya’y kapiling natin sa bawat bahagi ng ating buhay. Ipinaalala sa atin ngayong gabi na ang Panginoon ang nagbibigay ng lakas ng loob sa ating lahat.(2Cor1:3-5)
Nagpapasalamat ako sa gabing ito sa Panginoon dahil sa kabila ng lahat ng balakid ay pinapangyari Niyang ako’y makadalo pa rin. Batid ng Panginoon ang aking mga “HUGOT” sa mga panahong ito at ngayo’y Kanyang pinalalakas ang aking loob upang magpatuloy. Tama na ang pag-aalala sabi ng Panginoon. Naalala ko tuloy yung isang Facebook page na “hugot kristiyano” sa isang post nila’y ito ang sabi: “Kung may time ka mag-alala, gamitin mo ang oras na iyan para kausapin si Lord.” 

Salamat muli Panginoon! Tunay ngang kami’y walang hanggang magpapasalamat sa Iyo! Ikaw ang aming kalakasan ngayon, bukas, at magpasawalang hanggan. Amen.

GOD IS GOOD.
Stay Connected.

Times of Refreshing 2

Reflection
November 19,2016

    Noong nakaraang biyernes (Nobyembre 11, 2016) sa ating sama-samang pagsamba ay muling nagpahayag ng katotohanan ang Panginoon sa akin.Sa sharing portion ay ating napagnilayan ang katanungang “Paano mo masasabing handa ka na at karapat-dapat sa kaharian ng Diyos?”. Nabigla ako sa katanungang iyon sapagkat tila sa mga oras na iyon ay hindi ko alam kung ano at paano ako makakapagbahagi. Marahil sa kadahilanang sa aking palagay ay may ilang desisyon at pangyayari sa araw na iyon na nagbigay sa akin ng pag-aalinlagan sa aking kahandaan at pagiging marapat sa kaharian ng Diyos.
Patapos ng magbahagi ang dalawa kong kabahaginan at wala pa rin akong maisip na maibabahagi. Hanggang naisip kong manalangin at sinabi ko sa Panginoon na wala akong maisip na maibahagi at inamin kong hindi maganda ang pakiramdam ko sa aking sarili. Habang nanalangin ay napatingin ako sa imahe ng Panginoon Hesus na nakapako sa krus sa altar. Napako ang aking paningin sa imahe ng Panginoon at naramdaman ko at narinig na kanyang sinabi sa akin na sapat na ang Kanyang pagkamatay sa krus para mawala ang aking mga pag-aalinlangan.Dumating na ang aking oras upang magbahagi, bagamat wala pa rin akong nabuo sa sa isip ko ay sinabi ko na lang sa Diyos na Siya na ang manguna sa aking pagbabahagi.
Aking napagtanto sa mga oras na iyon na kailanman ay hindi natin masasabi ang ating kahandaan sa kaharian ng Diyos. Maaari pa siguro nating masabi na bagamat hindi tayo handa ay pwede lamang nating isuko ang ating sarili sa Panginoon na ang kalooban pa rin Niya ang mangyari sa atin. Kahalintulad ng ginawang panalangin ng ating Panginoong Hesus nang manalangin Siya sa Getsemani noong gabi bago Siya ipagkanulo at patayin ay sinabi Niya, “Ama ko, kung baga maaari ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma’y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo”(Mateo 26:39). Hindi natin talos ang ating huling araw ngunit bawat isa ay ito ang kahahantungan handa ka man o hindi, ang mahalaga ay ang pagsuko natin sa kalooban ng Panginoon sa bawat bahagi at sandali ng ating buhay.
Sa pagiging karapat-dapat naman, ay ang imahe ng Panginoong Hesus habang nakabayubay sa krus ang sasagot sa katanungang ito. “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, na ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sa Kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.Sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang Anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan Niya.(Juan3:16-17)

Batid ng Panginoong Diyos ang ating mga kahinaan (dahilan ng ating pagkakaroon ng agam- agam sa ating pagiging karapat-dapat sa kaharian ng Diyos) mahigit dalawang libong taon na ang nakaraan.Gayon na lamang ang pag-ibig sa atin ng Panginoon na kahit hindi pa man tayo naisisilang sa mundong ito ay pinaging dapat na Niya tayo sa Kanyang kaharian. At kahit gaano pa kadilim ang ating nakaraan o kasalukuyan, hindi nito mababago ang pag-ibig ng Diyos sa bawat isa sa atin. “Ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin nuong tayo’y makasalanan pa. At ngayong napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng kanyang dugo, lalo nang TIYAK na maliligtas tayo sa pamamagitan Niya.(Roma5:8)
Sa pagtatapos ng sama-samang pagsamba sa gabing iyon, ay muli, kasabay ng pag-awit ng koro sa awiting “Times of Refreshing”, naramdaman ko ang pagkandili ng Panginoon sa bawat isa. Indeed, “there’s no greater mercy than being with You...my soul is restored...my soul is renewed...There’s no greater joy Lord than being with You..” 
   Thank You Lord! To God be the Glory! 

GOD IS GOOD.
Be Refreshed. 

Bible Readings and Reflection


October 20, 2015 Psalm Response
Psalm 40:7-17 Reflection

Kaugnay ng unang pagbasa (Roma 5:12-2) sa araw na ito, ang Psalmong ito kung saan ipinagkaloob sa atin ang Panginoong Hesus para sa ating kaligtasan. Mas maraming kasalanan mas, mas humihigit ang kanyang pag-ibig sa atin. Taliwas sa akala nating habang dumarami ang pagkakasala natin eh nababawasan ang pagmamahal ng Diyos sa atin. Hindi ganun ang Diyos natin. Sya yung Panginnong hinding hindi tayo susukuan. Patuloy Niya tayong minamahal mula noon hanggang ngayon at sa susunod pang panahon. Hindi Siya nagbabago. Kaya naman, inaanyayahan tayo ng Psalmong ito na ibahagi ang ating mga karanasan kung saan naramdaman natin ang pag-ibig at pagliligtas Niya sa atin. Higit pa ito sa pagsunod sa lahat ng utos sa Bibliya. Karapatdapat nating ipagmalaki at ipagbunyi ang bawat pagliligtas sa atin. Araw-araw o mas tama ay bawat segundo ng ating buhay ay naroon ang pag-ibig at pagliligtas Niya sa atin. Katibayan na nito, ang libre nating paghinga, ang hangin at ang hiwaga na tayo ay buhay. Sadyang kaybuti at kay Dakila ng Panginoon. Purihin natin Siya at pasalamatan :)

Gospel Reading
Lukas 12:35-38
Konektado rin ang Gospel sa Psalm Response (Psalm 40:7-17) ngayong araw. Mensahe ng pagiging handa natin sa bawat sandali, matiyagang nag-iintay sa pagdating ng Panginoon. Kung paano, saan at kailan Siya darating ay walang nakakaalam. Ngunit paano ba tayo magiging handa? Sa aking palagay as i connect it sa Psalm Response, ay magiging handa tayo sa pamamagitan ng ating matiyagang paglilingkod sa ating kapwa at sa Diyos. Maaari ring maging paghahanda o kahandaan yung patuloy nating pagdama sa presensya ng Panginoon sa ating buhay. Lagi nating pakahanapin Siya sa bawat sandali, pagkakataon o sitwasyon sa buhay natin. At Siya’y talaga namang kasama natin sa tuwina. Yung awareness natin sa kanyang presensya sa ating buhay ay isang napakaganda at napakalaking biyaya Niya sa atin. He gives us hope and strength as we live in this life. At pangako Niya iyon sa atin na kasama natin Siya at hinding hindi niya tayo iiwan o pababayaan man. Salamat sa Diyos sa kanyang Dakilang pg-ibig sa atin.

God is good.
We are deeply Loved.

"Believing is seeing and seeing is believing"


Believing is seeing and seeing is believing
Pagninilay isang araw nuong Pebrero 17, 2015

         Nadiskubre ko ding may panahong nasobrahan yata ako sa spirituality that I lost my patience, increased my pride and put things on my hand and shoulder making me more desperate to do things on my own. In that manner, i forgot to love myself and began questioning again God’s gift within me. I don’t trust myself this past few weeks, i felt that i’m not worthy and that i am not doing well in what God has entrusted me to do. I blame myself in the process. I forgot my life statement of “Let go and let God.”
But thankfully God is really good that even during those hard times or i must say “lost” time, God never leave me in the process. God is still with me and watching over me. As I look back, I see things and people God sent to me during those times, that keeps me find His ways again, and guide me to do what I need to do (even though I am at lost in that moment). I really thank God for all His goodness. 
Na realize ko din na we are always in the journey of showing God’s presence in our lives. Indeed, believing is seeing and seeing is believing.


GOD IS GOOD.
Stay in Faith and you'll see.

Lunes, Disyembre 14, 2015


KCON 2015 Grand Feast Journey ( A Reflection)
Nov. 22, 2015

“We Already Have it” -Bo Sanchez

Like what Bro. Bo said, all we need in this life is already given us by our God. My friends and I we’re very blessed to attend at least the KCON2015 Grand Feast (AM session). My journey, our journey of “COMING HOME” was great and very blessed. On our way to the MOA Arena, we allotted 2 hours travel time from Meycauayan to the venue, but unfortunately we spent plus 15 minutes of travel time because of traffic, and that’s why we’re late. But despite of that, still God wants to be our journey to be very blessed.
Me and my friends at our first seats on the left side of the stage :-)


Thank God kasi hindi pa nagsisimula yung Misa :) Thank God uli, kasi yung ticket namin eh sobrang lapit sa stage. Nasa left side kmi ng stage. Seat pa lang masaya na kami. Then powerful Mass and opening worship took place. But just after Bro. Bo read the verse for today, somebody near our place accidentally hit the wires connected to that big thing hanging on top of us (i think its the big sound system/ speakers), and it seems to be at risk of falling against us totally. Bro Bo, then prayed for that incident and for the safety of everyone in the venue, then he continues his talk. Because of that incident people on our side including us focused our attention to that thing hanging on our top, that’s why, the very caring KCON Usherettes allow us to transfer to another seats. My friends and I we’re the last batch to empty our original seat, the kind Usherettes find us a new seat. Lo and behold, we found ourselves one seat before the stage, in front of Bro. Bo. Huh!!! Indeed, God is a Master of turning the mess into a blessing :) We are deeply, doubly, magnanimously, amazingly blessed :) 


Our new seats :-)

In addition, when and if only we’re in doubt of the great love of God for us, look around, feel the breeze of the air, get tanned with the rays of the sun, feel your heartbeat and just breathe. All this and more, is a shouting evidence that, WE ALREADY HAVE IT! 

GOD IS GOOD!
I'M HOME!