October 20, 2015 Psalm Response
Psalm 40:7-17 Reflection
Kaugnay ng unang pagbasa (Roma 5:12-2) sa araw na ito, ang Psalmong ito kung saan ipinagkaloob sa atin ang Panginoong Hesus para sa ating kaligtasan. Mas maraming kasalanan mas, mas humihigit ang kanyang pag-ibig sa atin. Taliwas sa akala nating habang dumarami ang pagkakasala natin eh nababawasan ang pagmamahal ng Diyos sa atin. Hindi ganun ang Diyos natin. Sya yung Panginnong hinding hindi tayo susukuan. Patuloy Niya tayong minamahal mula noon hanggang ngayon at sa susunod pang panahon. Hindi Siya nagbabago. Kaya naman, inaanyayahan tayo ng Psalmong ito na ibahagi ang ating mga karanasan kung saan naramdaman natin ang pag-ibig at pagliligtas Niya sa atin. Higit pa ito sa pagsunod sa lahat ng utos sa Bibliya. Karapatdapat nating ipagmalaki at ipagbunyi ang bawat pagliligtas sa atin. Araw-araw o mas tama ay bawat segundo ng ating buhay ay naroon ang pag-ibig at pagliligtas Niya sa atin. Katibayan na nito, ang libre nating paghinga, ang hangin at ang hiwaga na tayo ay buhay. Sadyang kaybuti at kay Dakila ng Panginoon. Purihin natin Siya at pasalamatan :)
Gospel Reading
Lukas 12:35-38
Konektado rin ang Gospel sa Psalm Response (Psalm 40:7-17) ngayong araw. Mensahe ng pagiging handa natin sa bawat sandali, matiyagang nag-iintay sa pagdating ng Panginoon. Kung paano, saan at kailan Siya darating ay walang nakakaalam. Ngunit paano ba tayo magiging handa? Sa aking palagay as i connect it sa Psalm Response, ay magiging handa tayo sa pamamagitan ng ating matiyagang paglilingkod sa ating kapwa at sa Diyos. Maaari ring maging paghahanda o kahandaan yung patuloy nating pagdama sa presensya ng Panginoon sa ating buhay. Lagi nating pakahanapin Siya sa bawat sandali, pagkakataon o sitwasyon sa buhay natin. At Siya’y talaga namang kasama natin sa tuwina. Yung awareness natin sa kanyang presensya sa ating buhay ay isang napakaganda at napakalaking biyaya Niya sa atin. He gives us hope and strength as we live in this life. At pangako Niya iyon sa atin na kasama natin Siya at hinding hindi niya tayo iiwan o pababayaan man. Salamat sa Diyos sa kanyang Dakilang pg-ibig sa atin.
God is good.
We are deeply Loved.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento