Finding God in Everything Let go and Let God.

Finding God in Everything Let go and Let God.
Be Refreshed by God's Amazing Love

Linggo, Nobyembre 1, 2015

BIBLE Readings and Reflection November 2, 2015 (Monday)

November 2, 2015 (Monday)  
First Reading: Karunungan 3:1-9,  
 Psalm Response: Psalm 27:1-14,
Second Reading: Roma 6:3-9, 
Gospel: Mateo 25:31-46
Lets follow Word-Order-Reflection-Direction for our sharing :)


 WORD (ang mga Salitang pumukaw sa puso mo) 
"...Nasa kamay ng Diyos ang kaluluwa ng mga makatarungan at hindi sila makararannas ng anumang pahirap... Makauunawa sa katotothanan ang mga nagtitiwala sa kanya at ang mga tapat sa pag-ibig ay mamumuhay na kapiling niya. Sapagkat nakalaan para sa kanyang mga hinirang ang kanyang kagandahang loob at habag...." (First Reading)

"....Ang Panginoon ang aking liwanag at kaligtasan, kanino ako matatakot?...Sa panginoon umasa! Lakasan ang loob at magpakatatag. Umasa sa Panginoon..." - (Psalm Response)

"...Lahat ng bininyagan para mabuklod kay Kristo ay bininyagan at inilubog sa kanyang kamatayan... Nailarawan na ang pagkahugpong natin sa kanya sa anyang kamatayan; tularan naman natin ang kanyang muling pagkabuhay..."

Ang huling paghuhukom -"...Pagdating ng Anak ng Tao sa kanyang kaluwalhatian kasama ng lahat niyang mga anghel, uupo siya sa maluwalhati niyang trono. Dadalhin sa harap niya nag lahat ng bansa na parang isang pastol na inihihiwalay ang mga tupa sa mga kambing gayundin niya paghihiwahiwalayin ang mga tao...
Sasabihin ng Harri sa nasa knan, 'Halikayo pinagpala ng aking Ama! manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo, sapagkat nagutom ako at iyong pinakain, nuhaw ako at inyong pinainom...Talagang sinasabi ko sa inyo: anuman ang gawin ninyo sa isa sa maliliit na ito  na mga kapatid ko, ay sa akin ninyo ginawa.'...." -(Gospel)

ORDER (hinihinging tugon mula sa salita/mensahe ng Diyos sa atin sa kanyang mga Salita)
       Nais iparating ng ating Panginoon na tapat Siya sa kanyang pangako mula nuong tayo'y bininyagan at nuong inihandog niya ang kanyang sarili para sa atin. Ano ba yung kanyang pangako? ito ay  yung tayo'y kanyang lubos na kinalulugdan at kasama natin siya sa tuwi-tuwina. Siya ang ating liwanag at kalakasan, wala tayong dapat katakutan at alalahanin sa pagsunod natin sa kanya. May nakahandang masaganang hinaharap sa ating muling pagkabuhay kung tayo'y mananatiling nakasandig sa Ating Diyos at patuloy na gumagawa at naglilingkod sa kanya sa pamamagitan ng paglilingkod natin sa ating kapwa.

REFLECTION (personal reflection/ pagbabahagi sa binasang Salita ng Diyos)
        Sa aking sarili, alam kong malaki ang pagkukulang ko sa paglilingkod sa Diyos. maraming panahon sa aking buhay na mas nauna ko ang ibang bagay kesa sa mga gawaing patungkol sa kanya. ganunpaman, ay patuloy pa rin niya akong minamahal at hindi binibitawan. tumalikod man, bumalik, tumalikod uli at bumalik, hinding hindi nagbabago ang pag-ibig ni Lord sa akin. Lagi siyang nandiyan sa aking pagbabalik loob. bukas ang kanyang mga kamay at puso para sa akin. ako na marumi, at makasalanan ay mahalaga sa kanya. lahat tayo ay walang maipagmamalaki sa Panginoon dahil lahat ng bagay dito sa mundo ay sa kanya at nagmula sa kanyang kagandahang loob.

DIRECTION (pagsasabuhay ng salita  ng DIYOS na iyong binigyang ugnayan sa pagsunod mo sa Kanyang kautusan/ direksyong dapat kong gawin sa mga mga susunod pang panahon matapos mabasa ang mga Salita ng Diyos)
        Ang direksyong aking napagnilayan, ay patuloy na bumalik at sumunod sa Panginoon. Lalong pang magnilay at magpuri sa Kanyang mga salita, to equip myself sa mga pagsubok sa Buhay. Ang salita ng Diyos ang magbibigay pag-asa sa atin sa tuwing mapanghihinaang loob. Nais ko ring maibahagi ang aking mga talento, mapa sa pagsusulat, pagtuturo, pagshare o sa ano mang paraan para sa lalong iKapupuri  at ikadadakila ng ating Panginoong Jesus.

End of my sharing :)

 God is good.
Im Deeply Blessed.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento